Paskong Pilipino (Tagalog)
Malamig na ang hangin at ang simoy nito
Kay aya-aya pa ang samyo na dala nito
Mistulang nasa tuktok ako ng Baguio
Pinapaligiran ng mga punong pino.
Kay bangu-bango at malamig na talaga
Kapag panahon na ito ay sasapit na
Alam mo ba ang pinapahiwatig nito?
Walang iba kundi malapit na ang Pasko.
Sa ating pagdiwang ng pagsilang ni Kristo
Ang saya-saya ng bawat Kristiyano
Mga dalaga at binata sa bawat labi ay may ngiti
Nasa isipan nila ang padating na simbang gabi.
Ang simbang gabi ay inaabangan ng lahat
Dahil sa puto bumbong, bibingka at salabat
Binibenta sa paligid ng bawat simbahan
Pagkain na gustong-gusto ng kahit sino man.
Ganito ang anyo ng Paskong Pilipino
Walang katulad saan parte ng mundo
Maraming Pilipino saan man dako
Umuuwi ng bansa kapag araw ng Pasko.
Kaya kayo kapwa ko Pilipino
Hali na kayo. . .
Dito sa Pilipinas tayo magpa-Pasko!


Recent comments
16 hours 28 min ago
16 hours 32 min ago
21 hours 18 min ago
3 days 15 hours ago
6 days 10 hours ago
1 week 1 hour ago
1 week 16 hours ago
1 week 23 hours ago
1 week 23 hours ago
1 week 4 days ago