Sa Pagtulog ng Gabi (Tagalog)

Pikit na mahal, hayaang mamayapa
Ang gabi'y malalim at dapat ng mamahinga
Sa hirap na dinanas, karapatan mong tumigil
Ibigay ang katahimikang matagal ng pinipigil.

Ang mundong ginagalawan ay hindi patas
Kung paluputan ka'y parang isang ahas
Sa iyong pagtulog, saka ka sasaksakin
Walang kalaban-laban kahit anong gawin.

Sa iyong pananaginip, ako'y wag kalilimutan
Lagi akong alalahanin kahit ika'y lumisan
Kung hindi na magbalik, lagi mong iisipin
Sa pagtulog ng gabi, ikaw parin ang mamahalin.

© 2010 Miguel Duarte. Drupal theme by Kiwi Themes.